Una sa Balita

Dating pulis bulagta sa buy-bust

By
0 189

Nagwakas ang kaba­nata ng buhay ng isang retiradong pulis maka­raang mapatay ng kanyang mga dating kabaro nang tangkaing manlaban sa ikinasang buy-bust ope­ration ng pinagsamang pu­wersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Valenzuela City, kamakalawa nang gabi

Hindi na umabot nang buhay sa Valenzuela City Emergency Hospital si P02 Exiquiel Sangco, 55, ng General Luna Street, Caloocan City, matapos magtamo ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bago ang insidente, nasa drug watch list ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzue­la Police ang suspek.
Maging sa PDEA ay na-monitor na din daw ang involvement ng dating pu­lis sa illegal drug activities at maging sa listahan ni Pangulong Duterte ay kasama din ito.

Dahil dito, ikinasa ng grupo ni Major Jowilouie B. Bilaro head ng SDEU ang buy-bust operation sa Saint Jude Subdivisions, Brgy. Malinta, Valenzuela City, bandang alas-9:25 nang gabi, saan isa sa mga agent ng PDEA ang nagkunwaring buyer.

Nakahalata daw si PO2 Sangco na parak ang kaharap kaya binunot nito ang baril sa bewang para barilin ang kausap, pero naunahan siyang pa­putukan ng ibang pulis na nasa paligid.

Narekober sa suspek ang isang 9mm, 21 pirasong small plastic sachet at 25 plastic sachet na may lamang shabu.
Si PO2 Sangco ay may dekada ring na-assign sa Valenzuela Police Station bilang imbestigador.