Una sa Balita

Dating police asset inasinta sa ulo

By
0 106

Malapitang binaril sa ulo ng ‘di kilalang suspek ang isang barker na dati umanong impormante ng mga pulis sa tapat ng isang gasolinahan sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si alyas Rommel Baba, isang bar­ker, nasa 20-30-anyos, nasa 5’6” ang taas, katamtaman ang katawan, nakaitim na T-shirt, itim na maong shorts at itim na tsinelas. Ito ay nagtamo ng isang bala sa kanyang ulo.

Samantala, mabilis namang tumakas lulan ng isang kuliglig ang ‘di kilalang suspek na inila­rawang nakadilaw na jacket, camouflage na short at itim na bull cap.

Sa ulat ni PO3 Ryan Jay Balagtas, ng Crimes Against Persons Investigation Section (CA­PIS) ng Manila Police District (MPD), alas-kuwatro ng madaling-araw nang maganap ang krimen sa harapan ng Caltex gasoline station sa P. Guevarra St., kanto ng Lacson St., sa Sta. Cruz.

Lumitaw na dating impormante ng pulis ang biktima kaya’t inaalam ngayon kung may kinalaman dito ang pagpatay sa kanya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy