Una sa Balita

Dating PhilHealth chief tinalaga sa DOH

0 294

TINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) acting president Roy Ferrer bilang Assistant Secretary ng Department of Health.

Si Ferrer ay pinagbitiw sa PhilHealth noong 2019 matapos makaladkad sa isyu ng ghost kidney treatment.

Nilipat naman ng Pangulo ang anak ni dating Vice President Noli De Castro bilang board director ng state-run PTV-4.

Si Katherine ‘Kat’ De Castro ay dating nagsilbi bilang president and chief executive officer ng state-run IBC-13 at undersecretary ng Department of Tourism.

Samantala, si Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo naman ang bagong director-general ng Food and Drug Administration (FDA).

Si Domingo at iba pa ay tinalaga ng Pangulo noong Pebrero 6, 2020.

Matatandaan na si Domingo ay tinalagang FDA officer-in-charge matapos ang pagsibak kay Nela Charade Puno noong Mayo ng nakaraang taon. (Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More