Una sa Balita

Dating PH tennis prexy Andrada pumanaw na

0 448

PUMANAW na si former Philta president Col Salvador Buddy Andrada sa edad na 84.

Naging commissioner si Andrada ng Philippine Sports Commission (PSC) noong 2010-2016, nitong Miyerkoles ng umaga ay nagkaroon ng cardiac arrest sa kanilang tahanan sa Caloocan.

Hinayag ito ni Philta secretary-general Romy Magat sa RP2 Sports Radio.

Ngayong alas-7 ng gabi (Miyerkoles) ang cremation sa Arlington Chapels sa Quezon City.

Namuno ang retired colonel ng Philipine Army na si Andrada sa Philippine Tennis Association ng 25 taon.

Dati ring vice president ng Philippine Olympic Committee si Andrada, naging Chef de Mission ng Philippine Team noong 1996 Atlanta Olympics at 2000 Sydney Games. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More