Una sa Balita

Dating opisyal binusalan sa public hearing

By
0 1,483

Maaga siyang dumating sa public hearing pero matapos ang halos walong oras na pagdinig, hindi man lang pinagsalita ang isang dating opisyal ng gobyerno.

Ito ang masaklap na karanasan ng dating opisyal nang patusin ang imbitasyon ng isang senador sa isang public hearing tungkol sa kontrobersyal na kontrata sa gobyerno.

Game raw ang dating opisyal na magpaliwanag pero mistulang binusalan ito sa hearing dahil hindi man lang ito nakapagsalita sa loob ng mahabang oras.

Nilapitan pa raw siya ng chairman ng komite at pabulong na nagtanong sa kaniya.

Aaakalin mong nakakagimbal ang itatanong ng senador pero ang ibinulong lang pala nito ay kung ano raw ang font na ginamit sa ginawang letter at ang petsa nito.

Ang dating opisyal na hindi pinagsalita sa hearing ay kilalang matinik sa chicks. May letrang O sa kaniyang pangalan as in Otso-otso.