Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating OFW timbog sa P748K shabu

0 61

Arestado ang dating OFW matapos mahulihan ng P748,000 halaga ng iligal na droga at sari-saring drug paraphernalia sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Mojon, Malolos, Bulacan.

Kinilala ang nadakip na suspek noong September 13 na si Marites Montallana, 46, may asawa, tubong Olongapo City, at naninirahan sa naturang barangay.

Isinagawa ang buy-bust ng alas-3:15 ng gabi laban sa suspek matapos kumpirmahin ng isang police asset ang iligal na transaksyon ni Montallana sa tinitirhang apartment.

Kinokonsiderang big-time supplier ng iligal na droga si Montallana. Nakumpiska sa kanya ang may 110 gramo ng shabu at mga drugs paraphernalia.

Ayon sa suspek, malaking halaga ng shabu na binebenta niya ay mula sa isang Muslim supplier. (PNA)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.