Una sa Balita

Dating OFW arestado sa Romblon drug bust

By
0 2,034

Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug ­Enforcement Agency (PDEA), Provincial Intel­ligence Branch at ng Looc Municipal Police Station (MPS) ang isang da­ting overseas Filipino worker (OFW) na hinihinalang tulak ng droga sa bayan ng Looc, Romblon kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Larry Lazaro­ Tansingco Gaytano, alyas ‘Larry Boy’, 52-anyos, walang trabaho at tubong-Sitio Sanggutan, Poblacion, Looc, Romblon.

Ayon sa PDEA, nabilhan diumano ang suspek ng isang sachet ng shabu. Nasamsam pa sa pag-iingat nito ang dalawa pang sachet ng shabu, dalawang P500 bill, at ilang mga ID ng mga pulis na nakabase sa Manila Police District.

Sa spot report ng Looc MPS, bandang alas-4:15 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa Sitio Sanggutan, Poblacion ng bayang ito na nagresulta sa pagkakahuli ng suspek na si Gaytano.

Mariin namang itinatanggi ni Gaytano ang paratang na kanya. Inilagay lamang umano sa katawan niya ang hinihinalang shabu at hindi daw siya gumagamit nito.