Una sa Balita

Dating NPA naging CAFGU

By
0 429

INUBOS ni Magdalena Gano ang 14 na taon sa New People’s Army (NPA) at sa political wing na Bayan Muna subalit ngayon ay may iba na siyang papel sa kanyang komunidad.

Mula nang sumuko sa gobyerno, inalok si Gano na maging bahagi ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU), isang auxi­liary force ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Matapos ang kanyang pagsasanay, ang 29-anyos na dating NPA ay nagtatrabaho na ngayon bilang CAFGU kung saan tumutulong din siya sa pag-organisa ng mga pagpupulong ng tribo at komunidad upang hindi sila ma-recruit ng mga rebelde.

Sa nakukuha niyang allowance, nakakatulong na si Gano sa kanyang pamilya at nakakapag-ipon pa.

Inamin ni Gano na nakakatanggap siya at ang kanyang pamilya ng pagbabanta mula sa NPA subalit hindi niya ito ikinakatakot.

“Kung hindi ako tatayo, sino ang tatayo? Papaano ‘yung mga katribo kong api-apihan?” paliwanag pa niya.

Noong pumasok siya sa NPA, bininyagan siya sa pangalang ‘Ka Cecil’. Lumahok din siya sa mga kilos-protesta ng Bayan Muna, tulad ng Manilakbayan noong 2016.

Pero sa tagal ng kanyang paninilbihan doon, gutom naman ang inabot ng kanyang pamil­ya kaya’t nagdesisyon itong magbagong-buhay at sumuko sa gobyerno.

Kinastigo din ni Gano ang ginagawang pagtuturo ng kasinu­ngalingan ng mga rebeldeng komunista sa mga batang katutubo. “Bakit tinuturuan ang mga batang magsinu­ngaling? Doon ko na­isip-isip na hindi tama itong grupong napasukan ko. At saka sa sarili naming tribo, nasasaktan ako na lokohin ko ‘yung tribo ko.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy