Una sa Balita

Dating nakabuntot sa senador, opisyal isnabero na ngayon

0 707

Laging nakabuntot palagi itong isang opisyal ng gobyerno sa isang senador sa pag-asang makakuha ng rekomendasyon upang mabigyan ng puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagbunga naman ang kanyang pagsipsip sa senador matapos itong italaga bilang chairman ng isang ahensiya ng gobyerno.

Subalit nang ang kampo naman ng senador ang humingi ng tulong kay chairman, aba’y hindi na raw mahagilap si kolokoy.

Isang staff ng senador ang nagsabi kay Mang Teban na hindi na raw sumasagot si chairman kapag tinatawagan ito sa cellular phone.

Nakarating na raw sa kaalaman ng senador ang pang-iisnab ni chairman subalit wala nang magawa dahil ang Pangulo lamang ang puwedeng kumastigo dito.

Pintahan n’yo na. Ang opisyal ng gobyerno na naging isnabero nang maupo sa puwesto ay hilig noon umepal sa mga interview. May letrang P sa kanyang pangalan, as in Papaya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy