Una sa Balita

Dating mayora sa Metro Manila, tatakbong kongresista sa Bicol

By
0 606

Busy ngayon ang isang dating mayora sa Metro Manila na ilatag ang pagkandidato niya sa pagkakongresista sa kanyang bayan sa Bicol region.

Ayon sa aking bubwit, abala si dating mayora sa kaliwa’t kanang medical missions sa kanyang distrito para makilala at mapalapit ng husto sa kanyang mga kababayan.

Bumibida si dating mayora sa medical missions na may dental at optical services, may libreng mga gamot, salamin at namimigay din sila ng wheelchairs tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado.

Ang petmalu dito, ayon sa aking bubwit, mga sasakyan at tauhan ng city hall na kung saan siya nagsilbing alkalde ang ginagamit niya sa maghapong medical missions tuwing Thursday, Friday at Saturday sa kanyang bayan na puntirya niyang maging kinatawan sa Kongreso.

Dalawang bus na pagmamay-ari ng city hall ang dinadala ni dating mayora sa Bicol sakay ang mga empleyado rin ng city hall at dala nila ang mga ipamimigay sa medical missions.

Hindi lang ‘yan. Sabi ng aking bubwit, kung sa mga kababayan niya ay todo-pakilala si da­ting mayora para mapamahal siya at maala­lang iboto sa eleksyon, todo-PR naman ang ginagawa ni dating mayora sa mga political at community leader sa kanyang bayan.

Namimigay siya ng ambulansya sa mga politiko at political leader na kakandidato sa darating na eleksyon at kahit ang mga hindi tatakbo sa halalan ay binibigyan niya rin ng ambulansya basta’t lider sa komunidad o kilalang maraming mga supporter. Ang petmalu mo dating mayora.

Hindi naman nag-iisa si dating mayora kasi abala na rin ngayon ang maraming politiko na ilatag ang paghahanda para sa pupuntirya­hing puwesto sa 2019 elections.

Ang dating mayora na asawa ng mayor ngayon sa Metro Manila na kakandidatong kongresista sa kanyang bayan sa Bicol at kapatid ng isa sa deputy speaker sa Kamara ay si mayora ‘M’.