Una sa Balita

Dating koponan titibagin ni Tautuaa

0 348

Mga laro ngayon: (Cuneta Astrodome)

4:30pm — Blackwater vs. Rain or Shine

7:00pm — SMB vs. NorthPort

PASADO ang debut ni Mo Tautuaa sa San Miguel Beer noong Linggo nang patirikin ang Columbian Dyip 113-107 sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsumite si Big Mo ng 10 points, 5 rebounds sa loob ng 19 minutes, 4-of-6 mula sa field.

Kuntento rin si coach Leo Austria sa pinakita ng kanilang bagong center/forward na dumating mula NorthPort kapalit ni Christian Standhardinger sa trade na inaprubahan ng PBA Commissioner’s Office noong Martes.

Malaking bagay raw ang Fil-Tongan bilang reliever ni five-time MVP June Mar Fajardo. Sa mga darating na araw, posible pang pagsabayin ang dalawa.

“He’s a perfect reliever for June Mar. And he is not only a reliever, he can also perform well with June Mar,” dagdag ng coach. “Hindi pa ninyo nakikita ‘yung combination ng dalawa. In the near future, we will do that.”

Ginagamay pa ni Tautuaa ang spot niya sa loaded nang SMB squad na naghahabol ng grand slam ngayong season.

“I’m just finding my spot within that offense and defense, and helping the team as much as I can,” anang 6-foot-8 big man na top pick ng TNT noong 2015.

Sa pangalawang laro ni Tautuaa sa bagong team ngayong araw sa Cuneta Astrodome, haharapin niya agad ang pinanggalingang koponan.

“Just play hard,” sagot niya nang matanong. “It’s gonna be a fun game. I’m gonna see my old teammates, they’re my friends still.”

Unang laro din ni Standhardinger sa NorthPort laban sa dati niyang team na humugot sa kanya bilang No. 1 pick noong 2017.

Nasa second place ng Governors Cup ang Beermen sa 5-1, kabuhol ng Batang Pier sa 8th-9th ang Blackwater sa 2-4. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy