Una sa Balita

Dating koponan kinaldag ni Melo

0 468

SA unang pagkakataon ngayong­ season, hinarap ni Carmelo Anthony­ ang dati niyang team na New York Knicks.

Umiskor si Anthony ng 16 para tulungan ang Portland Trail Blazers sa paglampaso sa Knicks 115-87 nitong Martes.

Pagkatapos ng termino sa Denver, lumipat si Anthony sa New York mula 2011-17

Pasabog si Damian Lillard ng walong 3-pointers tungo sa 31 points para bitbitin ang Portland.

Nambarako pa ng 17 points at 15 rebounds si Hassan Whiteside at maagang naputol ang two-game skid ng Blazers na lumamang ng hanggang 32 laban sa Knicks.

Umangas sa New York ang 15 points ni Julius Randle.

Sadsad agad ang Knicks sa una sa apat na West Coast trip matapos masibak si coach David Fizdale noong Biyernes ilang oras matapos niyang manduhan ang praktis.

NBA-worst ang 4-20 record ng Knicks, ipinasalo kay Mike Miller ang trabaho bilang interim coach. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy