Una sa Balita

Dating konsehal, swak sa estafa

By
0 139

Isang dating konsehal ang inaresto ng mga pulis dahil sa patung-patong na kasong estafa.

Si Michael Alvarez Estrada, 39, residente ng Barangay Balubad, Atimonan, Quezon ay inaresto sa kanyang tahanan kamakalawa sa bisa ng 28 warrant of arrest para sa kasong illegal recruitment mula sa mga Regional Trial Courts ng Balayan, Taal, Lemery sa Batangas, Pasay City, Makati City, Lucena City at Gumaca, Quezon.

Pito sa mga warrant of arrest ay walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.

Sa record, mula noong 2005 hanggang 2011 noong si Estrada ay municipal councilor pa ng Atimonan, Quezon, kasama ang iba pang akusado na sina Criselda Reyes, Samantha Escobar, at John Omokaro ay nag-recruit ng mga aplikante mula sa Pasay City, Makati City, Quezon at Batangas province para magtrabaho sa abroad. Subalit matapos makapagbayad ng processing fee, placement fee, at iba pang bayarin ang mga aplikante ay wala maski isa na nakaalis at nakapagtrabaho sa ibang bansa.

Nakakulong na nga­yon ang suspek sa custodial facility ng Atimonan police station at nakatakdang iharap sa korte para sa kaukulang disposisyon. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy