Una sa Balita

Dating kinasuhan sa rice smuggling bagong NFA chief

0 278

HINIRANG ng Malacañang si Atty. Judy Carol Dansal bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA).

Batay sa inilabas na dokumento ng Palasyo, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Dansal noong Hunyo 11, 2019 at pagsisilbihan nito ang hindi natapos na termino ni Jason Aquino hanggang Hunyo 30, 2019.

Inaasahang ire-renew ang appointment ng bagong NFA administrator pagkatapos ng Hunyo 30.

Matatandaang hiniling ni Aquino noong September 2018 kay Pangulong Duterte na alisin na siya sa puwesto matapos isisi sa kanyang tanggapan ang pagtaas ng presyo ng bigas at pagkawala ng supply nito sa ilang lugar sa bansa.

Bukod sa paghirang kay Dansal bilang bagong NFA Administrator ay inihalal din siya ng NFA council bilang bagong member ng konseho.

Si Dansal ay nagsilbing NFA Deputy Administrator for Marketing Operations.
Noong 2014, si Dansal kasama ang lima pang opisyal ng NFA ay kinasuhan ng graft sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot umano sa rice smuggling. (Aileen Taliping/Prince Golez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy