Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating kapitan timbuwang sa crime operation

0 87

Todas ang dating kapitan ng barangay na lider ng isang criminal group, habang nakatakas naman ang dalawang pang kasamahan nito matapos umanong makipagpalitan ng putok sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Datu Salibo, Maguindanao.

Kinilala ang nasawing suspek na si Marcos Manunggal, dating kapitan ng Brgy. Tee, habang kinilala ang mga nakatakas nitong kasamahan na sina Datumanot Manunggal at Jaybee Mastura.

Ayon kay CIDG Director Police Major Gen Albert Ignatius Ferro, alas-5:30 kahapon ng umaga nang mangyari ang insidente. Isisilbi sana ng mga awtoridad ang warrant of arrest na inilabas ng korte, sa halip na sumuko ay nanlaban umano si Marcos dahilan ng kamatayan nito.

Nakuha sa mga suspek ang matataas na kalibre ng baril.

SM food to go Banner Ad

Sangkot umano ang grupo ng suspek sa pagpapakalat ng iligal na droga, gun running at extortion sa Datu Salibo, Sharif Aguak, Mamasapano sa Maguindanao at Midsayap sa North Cotabato.

Samantala, si Matsura naman ay lider ng Ansar al-Khalifa (AKP) na kasapi ng international terror group na Dawlah Islamiyah at sangkot sa mga pambobomba sa North at South Cotabato gayundin sa Sarrangani province.

Si Matsura din umano ang responsable sa pagpapasabog sa computer shop sa Isulan, Sultan Kudaray noong Setyembre 2, 2018 na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng 13 pang sibilyan. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.