Una sa Balita

Dating janitress yumaman sa cosmetic product

0 417

Kumikita lang dati si Milane Pindot ng P280 sa bawat araw na trabaho bilang janitress.

Pero ngayon, milyonarya na siya at may sari­ling sasakyan at nakabili pa ng dalawang malawak na lupain.
Dahil lamang ito sa pagbebenta niya ng mga cosmetic product simula noong 2014.

Sa loob lamang ng 10 buwan, kumikita na siya ng P50,000 kada buwan. Pagsapit ng taong 2017, umabot na sa isang milyong piso ang kanyang kita.

Pakiramdam ni Milane, nananaginip lamang siya kahit may minamaneho na siyang sariling sasakyan.

Dati kasi, hirap sa buhay ang kanyang pamilya kung saan nagtatrabaho lang na katulong ang kanyang ina kaya’t tumigil siya sa pag-aaral nu’ng umedad ng 16-anyos.

Nagtrabaho siyang janitress sa isang eskuwelahan sa Antipolo, Rizal subalit nang matanggal sa trabaho ay nagbenta na lamang ng mga sapatos, pabango at iba pa.

Nakapag-asawa siya ng isang Koreano noong 2013 subalit ilang buwan pa lang silang nagsasama matapos maikasal ay iniwan naman siya habang nagdadalang-tao.

Upang maitaguyod ang anak, nagtrabaho ito sa pagbebenta ng cosmetic product hanggang sa suwertihin sa buhay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy