Una sa Balita

Dating hepe ng Tayabas Police hinahanting

By
0 601

IPINAG-UTOS na ni Police Regional Office 4A Director, Chief Superintendent Edward Carranza ang manhunt ope­ration sa sinibak na hepe ng Tayabas City Police Station na si Superintendent Mark Joseph Laygo na nasangkot sa umano’y rubout case sa Quezon.

Sa panayam kay Carranza, sinabi nito na hindi pa nagre-report sa Quezon Police Provincial Office si Laygo mula nang sibakin ito sa puwesto noong Lunes kaugnay sa pagkamatay ng anak ni Sariaya Ma­yor Marcelo Gayeta na si Christian Gayeta at isa pang kasama nito.

Ayon pa kay Carranza, isasailalim sa restrictive custody si Laygo at ipinapasurender na rin ang baril nito at badge.

Dahil aniya sa overwhelming evidence na nagpapatunay na binaril nang walang laban ang anak ng alkalde sa utos ni Laygo ay iho-hold na ito sa barracks at hindi muna palalabasin hanggang sa maisampa ang kaso laban dito at sa iba pang direktang sangkot sa pagpatay.

Maging siya ay hindi naniniwala sa lumabas na report mula sa Tayabas police.

“Palso ang operation, hindi ayon sa pulis ope­rational procedure ang operation na nangyari at sa nabasa kong report talagang imposible (ang pangyayari),” ayon kay Carranza.

Inaalam pa rin nila ang identipikasyon ng dala­wang nakasibilyan na tinawag na sina Legaspi at Sumagpong na umano’y mga gunmen na gumamit ng mga baril ng tatlong police na umano’y nakaengkuwentro ng mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy