Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating factory worker bagong lider ng Japan

0 64

Isang anak ng magsasaka na dating cardboard factory worker ang nahalal na lider ng bansang Japan na pangatlo sa may pinakamalaking ekonomiya sa buong daigdig.

Papalitan ni Yoshihide Suga, 71, si Shinzo Abe, ang pinakamatagal na naging Prime Minister ng Japan.

Matatandaang inanunsiyo ni Abe nitong Agosto ang kagustuhan niyang bumaba sa puwesto dahil sa kanyang problema sa kalusugan.

Nahalal si Suga na lider ng Liberal Democratic Party nitong Lunes na may 70 percent ng mga boto. Gayunman, kailangan pa rin niyang makuha ang suporta ng ‘Diet’ o ang national legislature ng nasabing bansa para maging opisyal na Japanese PM.

Si Suga ang dating kanang kamay ni Abe sa pangalawang termino nito, at ginampanan ang tungkulin bilang chief cabinet secretary o kombinasyon ng chief of staff at press secretary. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.