Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating dancer imbentor ng lumilipad na kotse

0 185

Hawak ngayon ng isang Pilipino ang world record sa pinakamalayong distansyang nabiyahe sakay ng isang ho­verboard.

Sakay ang kanyang gawang hoverboard, sa pakikipagtulungan sa isang Australian firm, nabiyahe ni Kyxz Mendiola ang distansyang 2,894 metro, na bumura sa naunang record na 2,352 metro lamang.

Bukod sa hoverboard, na­kagawa na rin si Mendiola ng lumi­lipad na kotse.

Pero hindi isang imbentor o inhinyero si Mendiola, sa katunayan, isa siyang dancer at naging miyembro ng Philippine All Stars.

Ayon kay Mendiola, mula sa pagi­ging dancer ay napasok siya sa paggawa ng pelikula at mula rito ay naging interesado siya sa drones.

Ngayon, ang plano ni Mendiola ay i-mass produce ang hoverboard at flying car sa tulong na rin ng techonology firm na kanyang naka-partner.

“Nandoon na sa point na people think I was crazy,” saad ni Mendiola sa isang panayam. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.