Una sa Balita

Dating construction worker nakaginto sa wushu

0 553

Malayo na ang naabot ng isang Pinoy athlete na dati’y rumaraket bilang construction worker.

Kung dati ay pala at maso ang hinahawakan ni Arne Mandal, ngayon ay medalya na matapos manalo ng ginto sa Wushu event sa 2019 Southeast Asian Games.

Bago mapunta sa wushu ay napag-alamang naging cons­truction worker si Mandal, at ang tinutukang sport na wushu ang naging tulay niya patungo sa kaginhawaan.

Bago sumabak sa SEA Games ay nanalo si Mandal ng silver medal sa Batang Pinoy noong 2012, gold meda­list naman sa 13th World Wushu Championship noong 2015.

Dahil sa wushu, nakapagpatayo na ng sariling bahay si Mandal para sa kanyang mga magulang at ngayon ay naghahanda na sa pagiging tatay sa nagdadalantao niyang misis.(RP)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy