Una sa Balita

Dating congressman nadikdik sa ₱3M agricultural assistance

By
0 244

PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang multiple criminal cases na isinampa ng Ombudsman laban kay dating Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula na may kinalaman sa umano’y maanomalyang paggamit ng P3 milyon agricultural assistance fund na nakalaan sa kanyang distrito noong 2004.

Sa resolusyon ng Second Division ng anti-graft court, ibinasura nito ang consolidated motion to quash ni Jaraula.

“The court rules that the right of the accused to a speedy disposition of his case has not been violated. The court notes that the three-year delay is necessary and unavoidable and is not solely attributable to the office of the Ombudsman,” ayon sa korte.

Kinasuhan si Jaraula ng two counts of graft at one count of malversation dahil sa pagkuha nito sa Philippine Social Development Foundation Inc ­(PSDFI) sa implementasyon ng agriculture assistance projects kahit hindi ito kuwalipikado.