Una sa Balita

Dating BOC official isinabit sa large-scale estafa

By
0 485

NAHAHARAP sa kasong large-scale estafa ang dating opisyal ng Bureau of Customs (BOC) matapos umano nitong takbuhan at hindi bayaran ang kanyang inutang na mahigit P13 mil­yon mula sa isang negosyante.

Sa kanyang affidavit-complaint na isinampa sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ng negosyante at dating regional newspaper publisher na si Bernie Miaque na nagtiwala siya na pautangin ng malaking halaga ang suspek na si Jervino Maglunob, alyas ‘Jervs’ simula 2014 hanggang 2016, dahil maliban sa may katungkulan ito noong panahong iyon sa BOC bilang chief of staff ng BOC Enforcement Group ay nagpapakilala rin ito na may-ari ng ilang negosyo at malapit din ito sa mga kilalang politiko.

Maliban sa kanyang posisyon noon sa BOC, nagpapakilala rin umano si Maglunob na nagmamay-ari ng Omega Global Options Security Service Inc. (OGOSSI) na isang security agency at Professional Management Strategists International Inc. na isa namang manpower pooling company.

Sa reklamo ni Miaque, nagpakilala rin umano si Maglunob bilang isa sa mga lider ni Manila Mayor Joseph Estrada at Senator JV Ejercito bilang national chairman ng grupong Kabataan ng Masang Pilipino (KAMPIL).

Sa kanyang affidavit, sinabi ni Miaque na hinikayat siya ni Maglunob na pauta­ngin siya ng P13.443 milyon upang matustusan ang ekspansyon ng kanyang mga negosyo at nangako ito na babayaran din agad ito na may kasamang 10% interest pagkatapos ng isang taon.

Dahil nangako na magbabayad kasama ang angkop na interes at dahil na rin sa napakaraming pangako nitong mga tulong para sa kanya ay hindi na nag-atubiling maglabas ng pera si Miaque upang pautangin si Maglunob.

“Due to the respondent’s continuous high-level representation and inducement, I raised the amounts he needed and gave him the cash on se­veral occasions starting in 2014 until 2016,” paliwanag ni Miaque sa kanyang affidavit-complaint sa NBI.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy