Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating barangay kagawad, tinodas ng tandem

0 113

Patay ang isang negosyante na dating barangay kagawad matapos itong barilin sa ulo ng hindi pa kilalang riding-in-tandem sa San Enrique, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw.

Dead on the spot ang biktimang si Alejandro Azcarrate, 57-anyos at residente ng Brgy. Nayon kung saan siya naging kagawad.

Sa ulat ng pulisya, lulan ng kanyang motorsiklo ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay mula sa pagde-deliver ng mga isda sa kanyang mga costumer nang sabayan ito ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo at ng makalapit ay saka ito pinagbabaril sa ulo sa Brgy. Poblacion ganap na alas-5:50 ng madaling-araw.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at iwan na wala nang buhay ang biktima.

Palaisipan sa pamilya ng biktima ang pagpaslang dito dahil wala naman umano itong kaaway at madalas ay sa bahay lang ito pagkatapos mag-deliver kadalasan sa mga restaurant sa Bacolod City.

Malabo rin umanong may kinalaman sa politika ang krimen dahil 2013 pa ng maging kagawad ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.