Una sa Balita

Dating barangay kagawad timbog sa baril, mga bala

0 218

By Allan Bergonia

KALABOSO ang dating­ barangay kagawad matapos mahulihan ng matataas na kalibre ng baril at mahigit sa 100 bala ng baril sa Barangay Apaya, Malasique, Pangasi­nan noong Biyernes.

Kinilala ang suspek na s i Nilo Macaranas, 61, magsasaka at dating barangay kagawad sa nasabing barangay.

Ayon sa Malasique Police Station (MPS), sa isinagawang search warrant operation, nakuha sa kanyang bahay ang isang M-16 armalite rifle, siyam na magazine nito at mahigit 100 ng mga bala.

Samantala, sinabi ng suspek, hindi niya nai-surrender sa mga awtoridad ang baril dahil sa takot na mahuli at masampahan ng kaso.

Bago ang pag-aresto, mayroong sumbong na ilang residente malapit sa bahay ni Macaranas na tinatakot niya ang mga ito gamit ang nasabing baril ngunit mariing itinanggi ng suspek.

Dinala sa MPS si Macaranas at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy