Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating app: LGBT sa ‘Pinas mas bet ‘pumapasok’

0 150

Lumabas sa ulat ng Grindr na Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng mga gay, bi, trans at queer na ‘top’ pagdating sa pakikipagtalik o mas gusto na sila ang pumapasok kaysa sila ang pinapasukan.

Ang Grindr ay isa sa pinakamalaking dating app sa mundo para sa mga beki, bi, trans at queer.

Sa kanilang unwrapped report na inilabas noong Disyembre 28, ay ibinunyag nila ang mga paboritong posisyon sa sex ng kanilang mga user.

Dito lumabas na ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng top o mga gusto na sila ang pumapasok. Kahilera ng Pilipinas ang mga bansang Colombia, Israel, Argentina, at India.

Related Posts

Samantala, ang kabaliktaran naman ng top – na tinatawag na bottom – ay tumutukoy sa mga LGBT na mas gusto na sila ang pinapasok habang nagtatalik. Pinakamarami ang bottom sa Vietnam, sinundan ng China, South Africa, Peru at Poland.

Ang isa pang sex role, na tinatawag na vers, ay walang pakialam kung sila ang papasok o papasukin. Pinakamarami ang vers sa Venezuela, Costa Rica, Romania, Russia at Czech Republic.

Ang Grindr ay may mahigit 13 milyon user sa buong mundo, bagama’t pinakamarami ang kanilang user sa Paris, London, New York, Sao Paulo at Los Angeles. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.