Una sa Balita

Dating adik registered nurse na

0 525

SA loob ng pitong taon, nalulong sa paggamit ng shabu ang Cebuano na si Ryan Cabrera Villareal.­

Nagsimulang gumamit ng droga si Villareal­ noong 13-taong gulang pa lamang.

Dumating pa ang punto na ibinebenta o sinasanla niya ang ibang gamit sa kanilang bahay para lamang may magamit sa kanyang bisyo.

Hanggang sa dumating ang panahon na pinasok si Villareal ng kanyang magulang sa rehabilitation center sa Talisay City.

Matapos ang rehab, nagdesisyon si Villareal na mag-aral ng nursing upang sa gayon ay maipagpatuloy ang pangarap na maging doktor at matulungan ang mga tinedyer na nalulong sa iligal na droga.

Dahil sa kanyang tagumpay, ginawang resource person ng Department of Health at iba pang drug rehabilitation center si Villareal­ upang maengganyo ang ibang adik na tularan ang ginawang pagbabago ng Cebuano.

Ayon naman kay Villareal, ang pagkalulong sa droga ay isang ‘public health issue’ na dapat tugunan ng maayos ng kinauukulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy