Una sa Balita

Dating adik nagbagong buhay para maging doktor

0 392

INAKALA noon ni Ryan Cabrera Villareal ng Cebu na sa paggamit ng iligal na droga lamang siya liligaya.

Ito ang natutunan ni Villareal nang mapabarkada sa murang edad upang takasan ang problema niya sa kanyang pamilya.

Natuto siyang humithit ng marijuana sa edad 13 at kalaunan ay iba pang klase ng iligal na droga.

Naapektuhan din ang kanyang pag-aaral kaya’t sinabihan na lamang siya ng kanyang magulang na kumuha na lang ng vocational course pagkatapos ng high school.

Hindi tumigil si Villareal sa paggamit ng iligal na droga at halos araw-araw siyang naging bangag.

Hanggang sa dumating ang panahon na nagising na lamang siya sa ospital dahil sa komplikasyon sa mga tinira niyang iligal na droga.

Doon na siya nagdesisyon na magbagong buhay at sumalang sa pitong buwan na drug rehabilitation sa Argao, Cebu.

Muli siyang nag-aral at nakatapos na ng kursong nursing.­

Pangarap naman ngayon ni Villareal na maging doktor upang makatulong sa mara­ming nangangailangan ng medikal na atensyon.

Ayaw nang balikan ni Villareal ang pangit niyang nakaraan, lalo na ang pakikipaglaban sa ‘invisible’ na kaaway sa iligal na droga.

Ang Facebook post ni Villareal ay umani ng maraming positibong reaksyon sa mga netizen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy