Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating 3.7M: Jobless umakyat sa 3.76M

0 92

Dumami ng 360,000 ang nakahanap ng trabaho nitong Hunyo ngunit nadagdagan pa rin ng 30,000 ang mga naghahanap ng trabaho.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), 3.76 milyon ang hindi nakahanap ng trabaho ng Hunyo samantalang 45.08 milyon naman ang nagtratrabaho na.

Sabi ni National Statistician Dennis Mapa, nanatili ang unemployment rate nitong Hunyo sa 7.7%, pareho ng unemployment rate noong Mayo ng 3.73 milyon naman ang hindi nakahanap ng trabaho.

Paliwanag ni Mapa. Lumaki rin ang tinatawag na labor force participation rate o ang bilang ng mga edad 15-anyos pataas na nagtratrabaho o naghahanapa ng trabaho at nadagdagan din ang dami ng nakahanap ng trabaho.

Aniya, 390,000 ang nadagdag sa labor force noong Hunyo.

Dagdag ni Mapa, nasa 92.3% ang employment rate noong Hunyo, pareho rin ng unemployment rate noong Mayo ng 44.72 milyon naman ang nagtratrabaho.

Malaki ang epekto ani Mapa ng paghihigpit sa paggalaw ng mga tao sa kanilang trabaho na dahilan kaya dumoble ang underemployment sa Cagayan Valley at ito rin ang dahilan kung bakit tumaas ang underemployment.

Ayon sa PSA, marami ang mga nawalan ng trabaho sa other services sector, mga hotel at food service activities, sa pamahalaan, sa transportation and storage at sa financial at insurance activities samantalang nadagdagan ang mga trabaho sa administrative and support service activities, wholesale and retail trade and repair of motor vehicles and motor cycles, fishing and aquaculture, education, at agriculture and forestry. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.