Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dating 12.7M: Jobless bumaba sa 12.2M

0 36

Tinatayang nasa 12.2 milyon Pinoy ang walang trabaho nitong first quarter ng taon dahil sa pananatili ng CO­VID-19 na bahagyang nabawasan noong nakalipas na quarter.

Ayon Social Weather Stations (SWS) survey results, nangangahulugan umano ito ng 25.8% ng adult labor force ang walang trabaho na bumaba ng 1.5% mula sa 27.3% o 12.7 milyon Filipinos na naitala noong 4th quarter ng 2020.

Gayunman, ito ay nanatiling mataas ng 8.3% kumpara sa 17.5 adult na nawalan ng trabaho noong Disyembre 2019 bago tamaan ng COVID-19 ang bansa.

SM food to go Banner Ad

Kabilang na sa bilang ang mga taong umalis sa trabaho, naghahanap ng trabaho at iyong nawalan ng trabaho matapos na magsara ang pinapasukan.

Sa non-commissioned survey ng SWS sa pagitan ng Abril 28 at Mayo 2 lumabas na sa capital region at Balance Luzon naitala ang pagbaba ng adult job pero tumaas sa Visayas at Mindanao.

Nabatid sa survey, ang labor force sa bansa o ang bilang ng mga adult sa labor force hanggang nitong Mayo ay 67% o 47.5 milyon Pilipino. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.