Una sa Balita

Dati niyang import problema ni Compton

By
0 459

Kumpleto na ang cast sa kampeonato ng PBA Governors’ Cup.

Pero maghihintay pa ng 17 days ang mga fan ng Alaska Aces at Magnolia Ang Pambansang Manok para sa pinakaa­abangan nilang showdown sa Dec. 5 sa MOA.

Kung ang mga fan ay hindi na makapaghintay sa pananabik, welcome naman sa Aces at Magnolia ang mahigit dalawang linggong pahinga.

Magkakaroon ang mga player lalo na ang mga coach ng pagkakataon na pahilumin ang mga ‘sugat’ na likha ng araw-araw na pakikipagsagupa sa kani-kanilang mga kalaban sa playoffs.

Hindi biro ang dinaanan ng dalawang team para lamang makaakyat sa finals ng Governors’ Cup.

Ang Magnolia, dinaig sa best-of-five playoffs ang never-say-die Barangay Ginebra, samantalang ang Alaska ay pinayukod ang Meralco Bolts.

Hindi na bago sa isa’t isa ang Aces at Magnolia sa pagsasagupa sa finals.
Ito na ang eighth title duel nila mula nang daigin ng Ryan Gregorio-mentored Purefoods ang Alaska noong 2010 Philippine Cup championship.

“It’s gonna be a battle, an absolute battle,” maikling pahayag ni coach Alex Compton.

Isa rin sa malaking problema ni Compton sa title showdown kontra sa mga bataan ni coach Chito Victolero ay kung paano pipigilan ang 33-year-old na si Romeo Travis.

Kilalang-kilala ni Compton si Travis, na umiskor ng career-high 50 points upang pangunahan ang Hotshots sa panalo kontra Kings, dahil dati na niya itong import.

Walang masabi si Compton kundi ang humanga sa kanyang dating import nang pumutok ito at bitbitin ang Magnolia sa nakakakabang panalo, 112-108, at tapusin ang best-of-five series, 3-1.

Alam din ni Compton na may grade 2 ­hamstring injury si Travis nang itala nito ang career ­record 50 points.

Si Travis ang import ni Compton sa 2015 Governors’ Cup finals kontra San Miguel. Si Travis ang tinanghal na best import noon.

Kaya lang, winalis ng Beermen ang Aces, 4-0, sa kampeonato sa pangunguna ng import na si AZ Reid at June Mar Fajardo. “The thing about Romeo is that he’s such a smart (guy) like he’s got a coach’s brain. He understands and knows how to play basketball,” ani Compton.