Una sa Balita

Data breach sa Sun Life Philippines sumabog

By
0 888

SINULATAN ng Sun Life Philippines ang mga kliyente nito kamakailan upang ipaalam na maaaring nabura ng kompanya ang kanilang policy ­information.

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), ipinaalam sa kanila ng Sun Life Philippines ang data breach noong Disyembre 22 at binigyan ang kompanya ng docket number para sa kaso.

Sa liham ng Sun Life Philippines sa mga kliyente nito, sinabi nitong nangyari ang data breach noong ­Disyembre 20, 2018 nang magkaproblema ito sa electronic notice system nito kung saan maaaring na-disclose ang policy information ng kliyente.

Humingi ng paumanhin ang Sun Life Philippines sa mga kliyente at sinabi nitong gagawa ito ng mga karagdagang hakbang para proteksyunan ang impormasyon nila.

Hindi malinaw kung ilang kliyente ang apektado.

Ang Sun Life ang pinakamala­king life insurance company sa bansa noong 2017 base sa total premium income nitong umabot sa P32 bilyon. Ang susunod ay nasa P26B ­lamang ang premium income noong taong iyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy