Una sa Balita

Dasal para sa proteksyon, mensahe sa psychic

0 239

Mga ka-Misteryo isang psychic ang lumapit sa #Misteryo at ibinahagi ang aniya’y mensahe ng Birhen Del Carmen – ang patron para sa proteksyon. Marahil ito ay may kinalaman sa kinakaharap nating problema sa pagkakat ng Novel Coronavirus.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo.’
Si Crisostomo ng Makati ay biglang lumapit sa #Misteryo at hindi nakatiis na ibahagi ang kanyang pana­ginip na may mensahe si Birhen Del Carmen.

Misteryo: “Paano mo natanggap ang ­mensahe sa iyong panaginip?”
Crisostomo: “Ganito ‘yun, may kakaibang puwersa na nagtulak sa akin para puntahan ang isang simbahan na ang patron ay si Birhen Del Carmen, nang ­I-search ko sa internet ay ang simbahan pala ng Mount Carmel.”

Misteryo: “Ano ang sa palagay mo kahulugan ng panaginip mo? Ito ba ay mensahe para sayo o sa pangkala­hatan?”

Crisostomo: “Doon sa panaginip ko kailangan kong magdasal sa simbahan ng Birhen Del Carmen at ipinakita sa akin ang iba’t ibang senaryo na maaaring dahilan kaya kaila­ngang magdasal tulad ng maruming paligid, pagkakasakit, kalituhan ng tao at kamatayan. Naniniwala akong hindi lang ito mensahe sa akin kundi para sa lahat.”

Misteryo: “Sa palagay mo ba may kinalaman ito sa panganib ng Novel Coronavirus?

Crisostomo: “Hindi direktang binanggit sa dream ko ang novel coronavirus pero ma­lakas ang kutob ko na yun nga ang dahilan.

Misteryo: “Kaya ba ‘yun ang dahilan kaya lumapit na sa amin?”
Crisostomo: “Yes ‘yun nga dahil alam ko may kakayanan kayo na maikalat ito sa publiko.”

Maraming mga gustong tumulong sa atin sa kinakaharap nating problema kailangan lamang na bukas tayo sa ganitong mga mensahe.

***
Para sa inyong mga kuwentong karanasan mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More