Una sa Balita

Dasal, painting panlaban ni Ryza sa depresyon

By
0 149

Isa rin sa naging hobby ni Ryza ay ang pagpe-paint. Pero lately, hindi niya raw ito nagagawa. ‘Yun pala, mas nakakapag-paint daw kasi siya kapag malungkot.

At kung matatandaan, inamin naman ng aktres na dumaan siya sa depression noong 2016 na uma­bot pa siya sa puntong inisip niyang magpakamatay.

Ayon kay Ryza, “Ako po kasi, mas nakakapag-paint kapag malungkot. Mas may lumalabas. Mahirap po kapag masaya ka. Ang dami mong naiisip.

“Kumbaga sa painting, sobrang colorful. Ang dami mong naiisip every seconds, gusto mong baguhin ang painting, parang ganun.”

Kadalasan ng paintings ni Ryza, abstract.

“Opo e, lahat po ng negative thoughts ko, nila­labas ko run. Para pong naging outlet ko po siya.”
At dahil dumaan na siya sa depression at masa­sabing napaglabanan ang naturang sitwasyon, nahingan din si Ryza nang maipapayo sa mga ­taong dumaraan din dito.

Ayon sa ngayo’y Kapamilya actress, “Yes, nagkaroon ako ng depression and nag-attempt po ako. Pero yung time na nag-attempt ako, biglang pumasok sa isip ko na takot po ako kay God.

“Palagi lang po ako nakikipag-usap kay God at sa mga ka-close ko na kaibigan na sa tingin ko, makakatulong sa akin. Nagsi-share lang. ‘Yun lang naman ang importante, na meron siyang mapagkukuwentuhan.
“Kailangan lang po magdasal,” pagbibigay-diin niya.

May pagkakataon pa rin ba na nade-depress pa rin siya?

“Opo, hindi naman po siya ‘yung biglang mararamdaman, biglang mawawala. Sakit po kasi siya, ‘yung depression. Akala mo wala na, pero bilang babalik.

“Mahirap po siyang labanan kasi ang kalaban mo, ‘yung sarili mo.”