Una sa Balita

Dasal ni Erwan: Boses ng baby ‘wag manahin kay Anne

0 641

Ikalawang taong anibersaryo ng kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff kahapon, November 12. Ikinasal sila sa New Zealand.

At kaya naman nga sa caption ni Anne nang i-announce na niya ang pregnancy sa Instagram account niya, “Another reason to love November.”

Nag-post naman si Erwan sa kanyang IG account kahapon na ready na raw siyang magpuyat sa paglabas ng kanilang baby. Pero pinakaaliw sa post nito bilang pagbati ng ikalawang anibersaryo kay Anne ay ‘yung sana raw, ang anak nila, maging kamukha ni Anne, pero ang boses daw, sa kanya mamana.

Sabi ni Erwan, “Celebrating 2 years of marriage with this beautiful lady today. I never thought that hundreds of days could feel like a blink. This will be the last time we spend it alone, before we are overwhelmed by the love for our child. Sleepless nights and longer days, I’m ready for all of it. With a tough woman like you, we have nothing to worry about it. I hope our kids has your looks, but my voice. Je t’aime mon amour.”

Five months na ang baby na ipinagbubuntis ni Anne na ikinagulat ng lahat kung paano raw nito nagawang ilihim at hindi talaga halata kahit na nang umamin siya ay biglang ang laki na pala ng tummy niya.

May request naman si Nico Bolzico, ang mister ni Solenn Heussaff, na baby boy raw sana ang first baby nina Erwan at Anne.

Sey ni Nico, “Please have a boy so he can take care of our baby girl when they go out!”

Dahil kay Bianca: Ruru kinalaban ang pamilya, kaibigan

Mapagtatakpan nga kaya ng pagpapa-interview ni Ruru Madrid ang “carpark” incident na nangyari sa pagitan nila ng rumored (rumored pa rin ba?) girlfriend na si Bianca Umali, ang pagtanggi niya na may nangyari nga sa parking lot?

Alam na ng lahat ang insidente na pinag-usapan din after ng premiere night ng “Cara X Jagger” na sinasabing muntik na raw masagasaan ni Bianca si Ruru dahil sa selos nito kay Jasmine Curtis Smith.

Lumabas agad kinabukasan ang nangyaring insidente dahil sa rami ng eye witness. Pero the following day rin, nakita na agad sina Ruru at Bianca na sweet-sweetan sa thanksgiving party ng GMA. Do’n na rin na-interview si Ruru na tila itinatangging may ganu’n ngang insidente na namagitan sa kanila.

Kaya ang siste, may mga tumutuligsa kay Ruru at sinasabihan itong dahil kay Bianca, ang mga kaibigan at kapamilya niya ang tila ginawang sinungaling, huh.

Obviously rin, may patuloy na namba-bash o nagko-comment kina Ruru at Bianca. Kaya siguro ‘yun ang nag-udyok sa Kapuso actor na mag-post ng tila pagpaparinig sa kanyang Twitter account noong 11/11 na mawala na raw ang mga nega sa mundo.

Ang naging tweet ni Ruru, “Sabi nila matutupad daw ang wish mo pag 11:11, sana nga matupad yung wish ko na sana mawala na lahat ng nega sa mundo. Sana puro pagmamahalan nalang ang pairalin natin hindi yung pagaalitan at panghuhusga sa mga kapwa mo. Godbless everyone!”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More