Una sa Balita

Darren sawa nang magpakabading

0 286

Pagkatapos na manalo ng sunod-sunod na best actor awards para sa pagganap niya bilang si Andrew Cunanan sa mini-series na “The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story,” iyon na raw ang last gay character na gagampanan ng Fil-American Hollywood actor-singer na si Darren Criss.

Sa kanyang interview with Bustle, sinabi ni Criss na ayaw niyang agawan ng roles ang ibang actors who identify themselves as gay.

“There are certain roles that I’ll see that are just wonderful. But I want to make sure I won’t be another straight boy taking a gay man’s role,” diin ni Criss.

Nakailang gay roles na raw kasi si Darren ever since na­ging in-demand actor siya sa Hollywood. Ginampanan niya ang role na Blaine Anderson, isang gay student sa TV series na “Glee”. Nagbida rin siya bilang transgender rock star on Broadway sa musical na “Hedwig and the Angry Inch.”

Nagpapasalamat si Criss sa opportunities na gampanan ang roles na ito pero dumating na raw sa punto na hindi na siya kumpor­table playing gay.

“The reason I say that is because getting to play those characters is inherently a wonderful dramatic experience. It has made for very, very compelling and interesting people. I am very blessed in my career with being allowed in the gay community.

“It’s been such a huge part of my life, even pre-Glee. I come from San Francisco doing theater, man. Like, I was raised by gay men.

Not literally at home, but you know, as a young kid doing theater, my friends were these men and women in their 20s, driving me home and getting me dinner,” ayon sa Emmy-winning actor.

Nag-post kamakailan si Darren ng kanyang pagbabakasyon sa bansa kasama ang kanyang misis na si Mia. Sa isang resort sa El Nido, Palawan sila nag-stay at gandang-ganda sila sa kanilang natatanaw mula sa kanilang window. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy