Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Darren lodi ng mga kabataang Pinoy

0 16

Ang bongga ni Darren Espanto, ha!

Ang husay niya sa online show niyang ‘TNT POP Show’, na kung saan ay pini-feature ang journey ng mga Kabataang Pinoy sa pagtupad ng kanilang mga pangarap.

Ang ‘TNT Pop Show’ ay napapanood digitally sa TNT microsite, TNT Facebook account, TNT YouTube channel (pilot episdoe June 9, 5PM), at mapapanood tuwing Sabado 5PM.

Anyway, bagay na bagay si Darren sa ‘TNT Pop Show’ dahil idolo talaga siya ng kabataan.

“I am happy and excited to be hosting the TNT Pop Show. Gaya din ng ilan, I pursued my dream to become a performer by joining different talent contests. I believe that more Kabataang Pinoy like me have what it takes to thrive in show business by sharing their talent and uplifting story,” sabi ni Darren.

SM food to go Banner Ad

Anyway, sa Pop Idol of the Week ay mapapanood ang mga aspiring/up-and-coming influencer and how they use their influence to spread saya to others.

Sa PopTrips naman ay makikita ang mga activity, games with Popstars of the week.

So, sa mga fan ni Darren, tutok na sa TNT Pop Show every Saturday, 5PM.

To know more about TNT Pop Show, follow TNT’s official accounts on Facebook, Twitter, and Instagram.

Ang TNT, TV5 ay magkatuwang sa POPinoy. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.