Una sa Balita

Darren binalikan ang karanasan sa 2 Canadian singer

0 588

Naaliw ang mga netizen kay Darren Espanto nang mag-post siya ng larawan ng dalawang babaeng naging bahagi ng kanyang singing journey noong nasa Canada pa siya.

Ang dalawang white girls ay nakasama ni Darren sa “The Next Star” season 5, isang TV talent search sa Canada na sinalihan niya noong bata pa siya.

Nag-post ng throwback photo niya si Darren habang nasa show pa siya, at makikitang mas matangkad pa ang dalawang girls kaysa sa kanya.

Sa current photo, makikitang mas malaki na si Darren sa dalawang Canadian singers na nakasabayan sa contest.

Ayon kay Darren, makalipas ang pitong taon, ngayon lang ulit sila nagkita-kita.

Nanatili ng ilang araw sa Canada si Darren para sa series of shows nila ni Jona doon. Sey pa ni Darren sa post, kumanta si Brooklyn sa Calgary show nila. At si Grace ay nanood naman sa Winnipeg.

Cute na cute si Darren sa pinost nitong throwback photo 7 years ago, at ngayon ay binatang-binata na ito, na siyang kinaaliwan ng kanyang mga tagahanga. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy