Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Darna vs Valentina naudlot: Angel, Alessandra walang planong magbugbugan

0 602

Para kanino ba talaga ang mga parinig ni Angel Locsin? Bakit kasi hindi na lang tukuyin para hindi nangangapa ang mga fan, o kahit ang mga kapwa niya Kapamilya star.

Tulad nga nitong latest Instagram story niya, para kanino ba talaga ito?

“Uulitin ko, pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sabihin nun mag-rally na sa kalsada.

“There are many ways to show support. Iba `yung takot sa covid, iba `yung ayaw lang talaga.

“Kung may na-offend, I apologize dahil nasaktan ko kayo. Pero hindi dahil sa sinabi kong magsalita kayo kayo. Dahil kailangan talaga nating magsalita ngayon.

“Uulitin ko, magkaiba po ang magsalita sa lumabas.

“Magkaisa tayo at wag magpagamit!” sabi ni Angel.

Dahil sa salitang covid, na ginawang rason nga ni Alessandra de Rossi kung bakit ayaw niyang lumabas at maki-rally, at pagagalitan siya ng nanay niya na nasa Italy ngayon, kapag ginawa niya `yon, may mga nagsasabing baka si Alessandra ang isa sa pinatatamaan ni Angel.

Pero, hirit nga ni Alessandra:

“Please wag kami ni @143redangel mahal ko sya at iba respeto ko sa tapang nya. Sa totoo lang, paano ba sya pwede pasalamatan sa mga nagawa nya para makatulong sa bansa? Lahat ng sulok, narating nya. Bilib ako pero, hindi ako sya. May respeto rin sya sa akin na takot lumabas.

“Nakikiusap ako sa mga gumagawa ng gulo at headline. No!!! Mahal ko yan! Kung may gusto akong sabihin sa kanya, itatawag ko na lang. Bat magpaparinig? Iba sya, iba ako. Iba laban nya, iba din sa akin. “Magkakampi si Darna at Valentina sa totoong buhay. I love you Angel ng lahat!

“Wag ako. Wag kami. Wag ngayon. Hindi ito ang tamang oras para magsisihan at magpagalingan. Kanya kanya to. Respeto. Respetooooo.

Salamat po. Rakenrowl.”

Anyway, agad din namang nilinaw ni Angel na hindi si Alessandra ang pinatatamaan nya.

“Sukat na ng panahon…

“Respeto’t pagkakaibigan @msderossi at @therealangellocsin.

“Hindi magagapi!” ang chika naman ni Angel.

O ayan, hindi po magpapatayan sa tunay na buhay sina Darna at Valentina. Sa harap ng kamera lang sila nagbubugbugan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.