Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Darna lilipad na: Jane hirap talbugan sina Marian, Angel

0 290

Nagparamdam na nang paglipad si ‘Darna. May mga lumabas na nga na eksena na hawak na ni Jane de Leon ang bato.

Nagpasample na nga si Jane ng teaser ng “Darna” ng mga video excerpts na aabangan sa kanyang serye.

Hindi pa siyempre makikita si Jane na nakasuot ng costume. Tanging kumikinang na bato pa lang ang pinapakita sa teaser, kaya walang ideya ang mga follower ng aktres sa itsura ng bagong version ng Darna.

Mapapanood na nga ang ilang mga fight scene ni Jane sa serye.

Medyo challenging para sa Darna at ng Kapamilya channel ang project, lalo at umaasa ang mga supporter nila na ang nasabing TV series ang muling mag-aangat sa viewing habit ng mga Pilipino. Bukod siyempre sa “Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

So, abangan nga natin kung matalbugan ba ng Darna ni Jane ang nakuhang rating ng Darna nina Angel Locsin, Marian Rivera noon sa GMA-7? (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.