Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Darating araw niyo! Tandaan mga politiko sangkot sa ABS-CBN shutdown – Robredo

0 669

Isang aral ang mapupulot ng mga Pilipino sa pagpapasara ng ABS-CBN — ito ay ang suriing mabuti ang mga pipiliing lider para sa susunod ng eleksyon.

Ayon kay Vice President Leni Robredo, ngayon ay nakita na ang kahalagahan ng pamimili ng magpapatakbo sa bansa sa pag-deny sa prangkisa ng ABS-CBN, dahilan para maapektuhan ang higit 11,000 empleyado kasabay pa ng COVID-19 pandemic.

“Mahalagang pumili ng mga pinunong tunay sa sumasalamin sa ating mga adhikain at prinsipyo,” ayon kay Robredo.

“Kaya’t tandaan natin ang mga pangalan ng kongresista at opisyal na tumaliwas sa ating mga paniniwala upang mapanagot sila gamit ang mga prosesong pangdemokrasya,” aniya pa.

70 kongresista ang pumabor na i-deny ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa panibagong prangkisa, habang dati nang hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang nais na mapasara ang network dahil sa hindi pagpapalabas ng kanyang campaign advertisement noong 2016.

“May kabayaran ang bawat pagmamalabis. May hangganan ang anumang paniniil. Darating ang araw ng pagtubos, at magbubukal ito sa atin mismo,” giit ni Robredo.

RP

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.