Una sa Balita

Daraga Mayor Baldo sumuko na

0 223

By Edwin Balasa

NASA kustodiya na ng Philippine National Police si Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos itong sumuko kahapon nang umaga sa isang hukom sa Legazpi City, ayon kay PNP spokesperson Bernard Banac.

Ayon Kay Banac, si Baldo ay kusang-loob na sumuko dakong alas-9:30 nang umaga kay Judge Ma. Theresa San Juan-Loquillo ng Legazpi City Regional Trial Court (RTC) Branch 10.

Kasalukuyang nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) District Jail sa Legazpi City si Mayor Baldo habang hinihintay ng pagdinig sa kanyang kinakaharap na kaso.

Magugunita nitong nakaraang Lunes ay inilabas ng Legazpi City RTC ang warrant of arrest sa kasong double murder at 6 counts ng frustrated murder dahil sa pagturo sa kanya ng bilang mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Nadamay din matapos tamaan ng ligaw na bala ang anim na senior citizen matapos ang pamamaril ng mga suspek sa isinagawang gift giving noong Disyembre 22 ng nakaraang taon sa Daraga covered court sa Brgy. Burgos ng bayang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy