Una sa Balita

Daquis nagbilad ng katawan, Valdez, Gumabao rumampa

0 425

TIMEOUT!

PAHINGA muna sa volleyball action ang mga sikat na mga balibolista ng bansa para sa Holy Week break.

Ilan sa mga ito ay nag-Visita Iglesia, nag-out of town vacation at nag-abroad pa para makapagpahinga sa pag­lalaro.

Sa kanyang Instagram post, makikitang nag-alay-lakad si Creamline Cool Sma­sher Alyssa Valdez kasama ang nobyo nitong si Kiefer Ravena.

Matapos nito ay tumungo naman ang ‘phenom’ sa isang resort sa San Juan, Batangas habang ang beauty queen spiker na si Michele Gumabao ay nasa Lipa, Batangas naman.

Hot na hot naman in two-piece swimsuit si Cignal HD Spiker Rachel Daquis na enjoy sa pagbilad sa araw sa isang resort sa Pico de Loro.

Nagtirik ng kandila si UST Golden Tigress Cherry Ann Rondina sa Manaoag Church sa Pangasinan samantalang vacation mode si rookie Eya Laure sa ­Baguio City.

Naispatan si F2 Logistics Cargo Mover Aby Maraño sa Loboc Krus Dako samantalang ang teammate na si Kianna Dy ay kasama ang kanyang pamilya sa Indonesia.

Sa post ni FEU Lady Tamaraw Carly Hernandez, kilig na kilig ito sa pinanonood na Netflix movie na “To All The Boys I’ve Loved Before” na nasa Sta. Rosa, Laguna.

Muling aaksyon ang PSL Grand Prix 2019 at UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Abril 23 at Abril 24, samantalang magsisimula naman ang Reinforced Conference ng PVL sa susunod na buwan.

(Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy