Una sa Balita

Daquis, Gonzaga sisilatin ang Petron

0 307

Laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
7:00pm — Cignal vs Petron

MULING ikakasa ng Cignal HD Spikers sina veterans Rachel Anne Daquis at Jovelyn Gonzaga pagharap nila sa do-or-die game laban sa top seed Petron Blaze Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference semifinals sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nakapuwersa ang HD Spikers ng rubbermatch matapos nilang pagulungin ang Blaze Spikers, 25-20, 10-25, 16-25, 27-25, 15-11, nitong Martes.

Magsisimula ang kanilang bakbakan sa alas-siyete nang gabi.

May twice-to-beat advantage ang Petron sa semis kaya kailangan ng Cignal na manalo ng dalawang beses bago sumampa sa finals.

Nag-aabang na sa best-of-three finals ang F2 Logistics na pinatalsik ang Foton Tornadoes.

Pinaalalahanan ni Cignal coach Edgar Barroga ang kanyang mga bataan na nasa Petron ang pressure dahil nasa isip nila na sikwatin ang three-peat.

“We came here with nothing to lose. The pressure is now on Pet­ron,” saad ni Barroga. “We’re going to do our best in this fight of our lives.”

Sina Daquis at Gonzaga ang bumuhat sa HD Spikers nang kalusin nila ang Blaze Spikers, pero inaasahan din ni Barroga ang ibang tropa nito na tutulong sa dalawa.

Bukod kina Daquis at Gonzaga, kakapit din si Barroga kina Fil-American Alohi Robins-Hardy at Mylene Paat. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy