Una sa Balita

Daquis, Cignal pasok sa semis

0 257

SWAK sa semifinals ang Cignal HD Spikers­ matapos akbayan nina Jovelyn Gonzaga at skipper Rachel Anne Daquis sa 25-15, 17-25, 25-18, 25-22 panalo laban sa Generika-Ayala Lifesavers sa quarterfinals knockout ng Phili­ppine Superliga All-Filipino Conference sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon.

Nagtulungan sa opensa sina Gonzaga at Daquis sa fourth set upang isampa ang HD Spikers sa semis kung saan makakaharap nila ang nauna nang pumasok na Petron Blaze Spikers.

Naging matatag sa fourth set ang Cignal lalo na sa endgame upang patalsikin ang Lifesavers na tumalo sa kanila ng dalawang beses sa preliminary round.
“Noong first round nag-struggle kami but now pataas nang pataas ‘yung game naming,” saad ni Daquis. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy