Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Daquis, Cignal bumalikwas

0 18

NAKIPAGTULUNGAN si veteran spiker Rachel Anne Daquis kina Janine Marciano at Roselyn Doria upang akbayan ang Cignal HD Spikers sa 25-22, 25-18, 13-25, 25-20 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors sa 2021 Philippine Volleyball League Open Conference ‘Bubble’ kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

Tumikada sina Marciano at Doria ng tig-14 puntos habang walong puntos ang inambag ni Daquis upang ibigya sa HD Spikers ang unang panalo sa dalawang salang.

Mainit ang HD Spikers sa unang dalawang set kaya naman namuro agad ito sa pagsilo ng kanilang unang panalo pero naantala dahil biglang uminit ang opnesa ng Lady Realtors sa third set.

Samantala, sisikapin ng defending champion Creamline Cool Smashers na manatili sa top spot ng team standings pagharap nila sa Philippine Army Lady Troopers ngayong alas-3 ng hapon.

Inaasahang sasandalan ng Cool Smashers (2-0j sina volleyball superstar Alyssa Valdez at Michele Gumabao upang manatiling malinis ang karta. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.