Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dapol, Perpetual itutuloy ratsada

0 52

Teams W L
Saint Benilde 3 0
Arellano 3 1
SSC-R 3 1
Mapua 2 1
Perpetual 2 1
LPU 2 2
JRU 2 2
Letran 1 3
EAC 0 3
San Beda 0 4

Mga Laro Ngayon: (Paco Arena)
12:00pm — Perpetual vs Mapua
3:00pm — EAC vs Saint Benilde

ASINTA ng University of Perpetual Help System DALTA Lady Altas sa pangunguna nina Razel Aldea at Mary Rhose Dapol na masungkit ang ikatlong sunod na panalo upang sumosyo sa ikalawang puwesto laban sa katablang Mapua University Lady Cardinals sa pambungad na laro ng 97th National Collegiate Athletics Association (NCAA) women’s volleyball tournament sa Paco Arena ngayong araw.

Instrumental sina Aldea at Dapol sa panalo ng Lady Altas kontra sa kulelat na Emilio Aguinaldo Lady Generals sa huling laban upang madala ang momentum kontra sa nag-iinit ring Lady Cardinals na naghahanap ng parehong streak at puwesto sa team standings sa kanilang pagtatapat sa alas-12:00 ng tanghali na susundan ng nanghihinang Lady Generals at unbeaten first placer na College of St. Benilde Lady Blazers sa alas-2:30 ng hapon.

Humambalos si Aldea ng game-high 12 poits mula sa 8 atake, 3 blocks at isang ace, katulong si Dapol na sumegunda sa 11 puntos mula naman sa 9 attacks at tig-isang block at ace.

Nag-ambag din si Janine Padua ng 10 points, gayundin ang magandang 14 excellent sets ni Jenny Gaviola at pambihirang floor defense ni Catherine Lim sa 30 excellent digs at 6 excellent receptions.

Naging mahaba naman ang pahinga ng Intramuros-based Lady Cardinals na mayroon ding maipagmamalaking tandem sa katauhan nina Alyanna Ong at Therese Manalo na humambalos ng tig-11 puntos sa panalo kontra JRU Lady Bombers noong nagdaang linggo.

Kumana ng parehong 10 atake sina Ong at Manalo, habang nagpasa ng 18 excellent sets si Trixie Gojol at libero Wellmae Ortega. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.