Una sa Balita

Dapat sibakin na Speaker si Alvarez – Sara

By
0 12,792

Matapang na hinamon muli ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio si House Speaker Pantaleon Alvarez na magbitiw sa puwesto nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Ginawa ng alkalde ang hamon sa kanyang pagdalo sa ika-19 na Women’s Summit sa Davao City.

Diretsahang iginiit ni Mayor Sara na kailangan na mag-resign si Alvarez bilang pinuno ng Kamara kung totoong sumuko na ito sa kanilang bangayan.

Sinabi pa ng presidential daughter na walang bilib si Alvarez sa kanya porke’t isa lamang siyang babae.

“Gi-easy-easy ko niya because feeling nako kay tungod kay babae ko, sa tan-aw nako, kung lalaki ko, magduha-duha siguro siya ug atraka,” pahayag ni Mayor Sara.

Nagsimula ang ba­ngayan ng dalawa dahil sa hirit ni Alvarez na kabilang sa oposisyon ang alkalde matapos na itatag nito ang regional political party na Hugpong ng Pababago na wala umanong basbas mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Dahil sa kanyang sinabi, binakbakan ni Mayor Sara si Alvarez. Bandang huli ay ipinahayag ni Alvarez na suko na siya sa alkalde.