Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Dapat nature-friendly! BSP may pakontes sa bagong gusali

0 17

Naglunsad ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng isang design competition para sa production facility nila na itatayo sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, bukas ang design competition para sa mga architectural at engineering consultant at maaari ring sumali ang mga local at international company. Dapat aniyang environmentally-sustainable ang conceptual design
“It has to be green and should promote the use of resources such as energy, water and materials which are sustainable,” saad ni Diokno sa isang panayam.
May dalawa raw yugto ang kompetisyon: ang eligibility screening and shortlisting; at pagsusumite ng technical and financial proposal at conceptual design.
Ilalabas ang resulta sa Oktubre habang sa ikalawang quarter ng 2022 itatayo ang bago nilang gusali. (Issa Santiago)

SM food to go Banner Ad

Leave A Reply

Your email address will not be published.