Una sa Balita

Dapat nang palaruin si Calvin

0 371

Latest update mga ka-Abante ay nag-breakdown ang pag­lipat ni Greg Slaughter sa NorthPort.

Ano ba nangyari rito?

Madaming fans ang nagtatanong. It’s just like an ordinary trade of SMC team na matagal nang pinag-uusapan pero nang sumagot si Greg sa Twitter niya na he was not informed, patay!

There was no offer for him to be renewed. Ayun, he will take a sabbatical leave from basketball and assess things muna bago siya ulit bumalik into playing.

Mga ka-Abante, kahit sabihin natin sa mundo ng PBA eh commodity lang ang trato sa mga player na puwedeng ipalit anumang oras ng mga may-ari, hindi sa lahat ng players katanggap-tanggap ‘yan.

Tulad ni Greg, uma­yaw muna for the meantime kasi malaking bagay sa mga Fil-foreign ang tinatawag na courtesy.

Kaya delikado ang Ginebra sa ganitong situation. For sure hinahanap na si Greg sa mga oras na ito.

Oo at hindi lang naman ‘yan sa situation natin as a pro player. Masuwerte ka na sa PBA kapag nag-explain pa sa iyo ang management kung bakit ka na-trade.

Ano na mangyayari sa Ginebra kapag all-Filipino?
Malaking adjustment ‘yan for sure kay Coach Tim Cone. Pero siyempre kapag import laden conference lamang ang Ginebra because of do-it-all Justin Brownlee.

Dapat samantalahin na ng mga team na medyo hindi ganoon katangkaran ang lineup ng mga team dahil dalawang higante ang mawawala, si Slaughter at injured na si June Mar Fajardo.

Dahil sa kakulangan sa quality big man sa PBA, grabe ang hoarding ngayon ng bigs. Malamang nito hahaba na naman ang career ni Asi Taulava at Rafi Reavis kapag nagkataon.

At lastly, medyo may katagalan na rin na hindi nakakalaro si Calvin Abueva. Ano ba hinihintay ng PBA rito? Tanong ng mga fan, Presidential Decree? Mag-lobby ang mga politiko para makalaro siya?

Ito lang masasabi ko, may precedent na ‘yang ganyan sitwasyon sa PBA.
Mas grabe pa ang nangyari noong araw, sinahod dinuraan at si Tony Harris laban sa Ginebra (12x sinahod)? Si Donnie Ray Koonce hinawakan sa paa habang pa-dunk. Sa ospital na nagising ang import.

Kaya dapat palaruin na si Calvin, sayang ang player na ito. Natural athlete, winner at pang-Gilas ang character.

Sometimes it’s the officiating and consistency that will greatly improve the performance of the players.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More