Una sa Balita

‘Dapat malaki! Hahahaha!’ Matteo pinaghahandaan ang engagement ring kay Sarah

By
0 693

Malaking factor nga si Sarah Geronimo para lumipat si Matteo Guidicelli sa panga­ngalaga ng Viva Artist Agency. Biro nga niya, mas mahal niya si Sarah, kesa sa Star Magic (manager niya ng mahabang panahon).

At dahil mahal nga niya si Sarah, inaabangan na ang kasal nilang dalawa.

“Hopefully, ‘yun talaga ang long term dream ko. One day, we’ll see,” sabi ni Matteo sa tsikahan namin sa kanya sa Viva office.

“We’ll see… We’ll see…” patawa-tawang say niya ulit.

Pero, bakit may chika na engaged na sila? Na ang nakitang suot na singsing ni Sarah ay galing sa kanya, o engagement ring nila?

“Ay, hindi! Ang liit naman!” natatawang sagot ni Matteo.

So, meron na siyang nakahandang singsing para kay Sarah?

“Wala pa. Biro lang. Kayo naman. Hahahahaha! Wala pa talaga!” hirit ni Matteo.

So ngayong nasa Viva na sila pareho ni Sarah, magsasama na ba agad sila sa movie?

“Depende sa Viva ‘yon. Magmi-meeting pa kami kung ano-ano ang project,” sabi ni Matteo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy